Sadyang napakalupit ng mga pangyayari na nagaganap sa aking buhay. Tila ba pinaglalaruan ako ng tadhana sapagkat ang mga bagay-bagay sa aking paligid ay palagi na lang tumatalima sa aking mga kagustuhan.
Kakatapos lang ng aking mga pagsusulit sa "Majors" ko at ngayo'y naghihimutok sa aking mga ginawa sa nakaraang buwan. Noon pa ma'y nilalayon ko nang magkaroon ng mga matataas na marka ngunit ilang beses na rin akong nabigo sa aking pangarap na ito. Ganoon pa man, hindi pa naman ako bumabagsak sa dalawang sem na natapos ko. Muntik na rin akong bumagsak sa ilang mga subjects dun ngunit, sa kabutihang palad, ipinasa naman ako ng aking mga propesor.
Sa pagtatapos ng sem na ito, inaasahan ko nang magkakaroon ako ng gradong 3.0 o mas mababa pa. Ngunit ituon natin ang ating pansin sa pinakamakabuluhang marka na posible mong makuha sa iyong pakikibaka sa unibersidad, ang 4.0. "Conditional Grade" ang ipinapahiwatig ng gradong 4.0. Kung mayroon kang 4.0 ay maari ka pang kumuha ng isa pang pagsusulit para maipasa mo or tuluyang mo nang maibagsak ang subject mo.
Bakit nga ba ang importante nito sa mga katulad kong nasa bingit na ng pagkabigo? "Kung di mo kayang mag-uno, ipasa mo lang. Basta pumasa ka lang pwede na yan.", ika nga ni mama. Ang mga salitang iyon ang siyang nagpapagaan ng mga pasanin akay-akay ko sa aking likuran. Ngunit iyon din ang siyang bumabagabag sa akin sapagkat, kung inyong maalala, magkaka-4.0 o 5.0 ako. Gulong-gulo ang aking kamalayan sa kung papaano ko ipapaliwanag sa aking mga magulang at mga kapatid ang kinahinatnan ng aking pag-aaral sa unibersidad. Ngayo'y ipinagdarasal ko na lang na makakuha man lang ng 4.0 nang sa ganoon ay maisasalba ko ba ang aking puri.
Nawa'y ipagdasal niyo rin ako na makapasa sa subject kong ito, na nagngangalang Math 54, dahil lubhang nakakaskit ito ng ulo at damdamin.
Magandang Umaga (umaga na pala -_-)