Sunday, August 10, 2014

August RUSH!

Pasukan.

"Na naman?" - Karaniwang wika ng mga estudyante.

"Haaaay Sa wakas!" -sagot ng mga taong bored na bored na bored na bored na bored na sa bahay nila lalong-lalo na yung mga taga-UP. Alam niyo kasi, nagmove-on na kami este, nagkaroon na kami ng shift sa aming academic calendar(oo alam kong naiintindihan mo yan). Habang kayo'y(non-UP) galak na galak sa pag-aaral noon pang Hunyo, kami naman ay bagot na bagot na sa walang sawang kainan at walang friends na pwedeng makipag-gimikan.

Ako naman, natapos ko na lahat ng mga Anime, Cartoons, Movies at lahat-lahat ng mga laro na nasa laptop ko. Ngayong Agosto na, heheheheh, magkakaroon na muli ng sigla ang aking pangaraw-araw na gawain.
Kyoukai no Kanata, Ano Hana, Avatar, Nagi no Asukara, Magi atbp.
"Every day is a new encounter."-yang linya ang nagsisilbing paalala sa akin na gumising sa realidad ng buhay. Nararanasan ko lang ang mga salitang ito tuwing ako ay nasa malayong lugar(ibig sabihin, wala ako sa aming bahay). Nais ko kasing maglakbay, mangilala at matuto sa parang aking gugustuhin.

Ay! Teka lang, parang nawawala na ako sa tunay kong layunin kung bakit "August RUSH!" ang pamagat nitong aking katha. Ganito kasi yun, alam naman nating lahat na pag pasukan na, iisa lang ang ibig sabihin nito. PILA! Dito sa Kabisayaan, maari mong magamit ang salitang "PILA" bilang "linya" at "magkano" dedepende nga lang sa tono at pagkakagamit nito.

Suriin muna natin ang PILA bilang "linya". Paunahan na sa pagpasok sa iba't-ibang mga gusali upang makakuha ng mga dokumentong maaring gamitin sa iyong enrollment. Magsisimula ang iyong kalbaryo sa pagpila sa pagkuha ng kopya ng iyong mga marka sa nakaraang semestre. Ang unang hakbang ay medyo mabilis sapagkat ang pagpapaprint lang naman ang nagpapatagal nito. Susunod naman ang pagkuha ng mga asignatura at pagpapakiusap sa mga propesor na ayaw nang tumanggap ng mga estudyanteng lampas na sa kota. Madugo ang parteng ito. Ang huling pila ay pagbabayad ng kaukulang halaga para sa iyong tuition at pagpalagda ng iyong University Form 5. Ang mga pila para nito ay ang pinakamatagal at pinakanakakawalang-gana sa lahat.



Ngayon, dumako sa PILA na ibig sabihin ay "magkano". Hmmmmmm.....Hmmmmmmm....Hmmmmmm. Ayoko nang mag-aral, ang mahal-mahal. Di ko kaya ang babayarin. Sa pagbubukas ng semestre, mapipilitan kang umutang dahil wala ka namang sapat na pera para bayaran ang napakalaking tuition fee.

Kaya mag-RUSH nang pumila at mag-RUSH na sa mga LOAN SHARKS, PAWNSHOP at mga BANGKO. UMUTANG KA NA!

A not-so-friendly reminder para hindi kayo maabala sa ENROLLMENT!!!!

Monday, July 7, 2014

Love is Like Lamok

3L.

Kailanman may 'di mo makakaligtaan
Ang bawat segundo at minutong dumaraan
Dahan-dahan itong mamumula at lalaki
Masisiglang kamay para sa pag-atake

Di na muling maimumulat ang mga mata
Pagkat ang hapdi't kirot ay 'di na maipinta
Masakit ngunit kay gandang alalahanin
Mga panahong ikaw ay naakit sakin

Tila ba'y naghihilom na itong mga sugat
Akala ko ba'y habang buhay na itong kagat
Sayang  at 'di ko man lang  namalayan
Katawan ko na pala'y iyong kinulayan

Deep Into Depravity

The least thing you would want to know in your life is that your are depressed. Depression affects a great number of people from all walks of life, may you be rich or poor there are always these circumstances placing you in great stress.

Speaking of stress, it is the key factor in depression. When people can't handle the emotional burden of stress, whether physical or emotional, people are vulnerable to depression. In developing countries, these stresses often come from poverty and corruption while in developed countries, these would often root in poor family culture. One who has everything wants nothingness, the other who has none wants everything. Such a very difficult thing to understand.

I'm still at the outer shell of depression. I wonder how it feels deep inside the walls of depression. How would the minds of those who sank in their deepest thoughts would talk back to them? Was it ever a question of what or a question of when? A lifetime of search, a generation of change and an era of the new revolution is underway. What has become has begun, and what has begun has become.